Tiniyak ng mga lider ng Kamara na ngayong 2025 ay magpapatuloy ang pagpapalakas sa oversight function ng Kongreso para isulong ang transparency, accountability, at maayos na pamamahala sa bansa.Ayon kay Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez, sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay hindi patitinag ang Kamara sa paggamit ng kanilang mga tungkulin para sa kapakanan ng bansa.Ilan sa mga pangunahing siniyasat ng Kamara sa nagdaang taon ay ang ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at ang koneksyon nito sa kalakalan ng ilegal na droga, money laundering, at extrajudicial killings, gayundin ang suplay at mataas na presyo ng bigas. Tinutukan din ng Kamara ang tamang paggamit sa pondo ng taumbayan kaya binusisi nitong mabuti ang kwestyunableng paggastos sa confidential funds ng Office of The Vice President at Department of Education.Paliwanag ni House Majority Leader at Zamboanga Rep. Manuel Jose Dalipe, ang kaliwa’t kanang imbestigasyon at mga pagdinig ay bahagi ng pagiging episyente ng Kamara sa pagbalangkas ng mga batas at nagpapakita ng dedikasyon na matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
No Comments Yet...