Iginiit ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee na insulto at kalokohan na gamitin ang pondong kailangang-kailangan para sa mga dagdag na serbisyong pangkulusugan sa mararangyang okasyon o ilipat ito sa mga proyekto na hindi naman ikamamatay ng mga Pilipino kung hindi maipagawa.Mensahe ito ni Lee sa harap ng pagtanggal sa subsidy ng gobyerno sa PhilHealth sa ilalim ng 2025 national budget.Para kay Lee, isang malaking kasalanan na hindi ibigay ang pondo at suporta na kaya namang ibigay, at sa halip ay gamitin lang ito kung saan iilan lang ang makikinabang. Samantala, hiniling naman ni Lee sa PhilHealth na gawing pangunahin sa new year’s resolution nito ngayong 2025 na palawakin pa ang health benefit packages nito para sa mga Pilipino lalo’t may sapat namang pondo para ito ay tuparin.
No Comments Yet...